Morgan Freeman

TUNICA, Mississippi (AP) — Sinabi ni Morgan Freeman na lulan siya ng isang eroplano na nag-forced landing sa Mississippi, ngunit wala namang nasaktan.

Kinumpirma ni Mayor Bill Luckett ng Clarksdale, matalik na kaibigan ng aktor, na nag-forced landing ang eroplano na sinasakyan ng aktor bago sumapit ang gabi nitong nakaraang Sabado. Naglabas naman ng pahayag si Freeman at sinabing papunta sana siya sa Texas para kunan ang isang segment ng seryeng The Story of God.

Ayon kay Freeman, “Sometimes things don’t go as planned and a tire blew on takeoff, which caused other problems.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinabi niya na sila ay “landed safely without a scratch.”