Tinalo kapwa ng Pampanga Foton Toplander at ng Manila NU-MFT ang kani-kanilang mga katunggali para maitakda ang kanilang pagtutuos sa finals ng Filsports Basketball Association Second Conference sa Marikina Sports Center.

Ginapi ng Toplanders ang Marikina Wangs Deliverers, 82-75, habang pinadapa naman ng Mica Tan-backed Bulldogs ang Pateros Austen Morris Associates, 70-63, upang maisaayos ang best-of-three showdown na magsisimula sa Disyembre 8 sa Colegio De San Sebastian sa Pampanga.

Nagtala ng 20-puntos si JV Gallego at sinapawan si Jawhar Purdy sampu ng dating pro at playing owner coach Nic Belasco upang pamunuan ang Bulldogs.

Nanguna naman para sa Toplanders si dating Arellano standout Levi Hernandez na nagttapos na may 13-puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala, nakapagbigay ng karagdagang sigla sa nasabing semifinals matches lalo na sa mga manunood ang ginawang pamimigay ng major sponsor Titan sa pamamagitan ng isa sa top owner nito na si dating PBA star Jeffrey Cariaso ng mga t-shirt sa halftime break kasama sina FBA Commissioner Vince Hizon, President LJ Serrano at COO Claudia Perrine. (Marivic Awitan)