Patay ang isang babae matapos siyang gilitan ng kanyang live-in partner na umano’y nagalit dahil sa pagtatrabaho niya sa isang beerhouse sa Malabon City, noong Linggo ng gabi.

Ayon kay PO3 Rommel Habig, dakong 10:00 ng gabi nang makita sa loob ng banyo ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang bangkay ni Alma Galvez, 37, ng Habitat Structure, F. Aquino Street, Barangay Tonsuya.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Lary Picar, 47, ng Perez St., Bgy. Tonsuya, Malabon City.

Bago ang insidente, madalas daw mag-away sina Picar at Galvez matapos mabalitaan ng lalaki na nagtatrabaho sa beerhouse bilang waitress ang kinakasama.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narinig pa umano ng ilang trabahador ng Habitat na nagsisigawan ang dalawa, pero hindi nila ito pinansin.

“Ayon sa witness nakita na lang nila na nagmamadaling lumabas ng gate si Picar at nung tignan nila sa banyo, patay na ‘yung babae,” ani Habig.

Nagsasagawa na ng follow-operation ang Malabon Police para sa ikadarakip ni Picar na kinasuhan na ng murder.

(Orly L. Barcala)