INILIBING na nitong nakaraang Linggo ang pinaslang na ina ni Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl na sumikat sa It’s Showtime. Pinatay ang mom ni Pastillas Girl na si Teresa Hernandez noong isang linggo, malapit sa kanilang tinitirhan sa Caloocan.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang suspek, kaya katarungan para sa ina ang sigaw ni Angelica sa kanyang eulogy.

Kabilang sa eulogy ni Angelica para sa ina ang kanyang pagsisisi na sana ay mas naiparamdam niya ang kanyang pagmamahal noong nabubuhay pa ito.

“Paano kung nasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal? Paano kung mas binigyan ko siya ng atensiyon? Paano kung mas naging mabuting anak ako sa kanya?” madamdaming wika niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Para kay Angelica, kung may naidulot mang pagbabago ang pagpanaw ng ina, ito ‘yung mas naging malapit sa bawat isa ng kanilang pamilya.

“Nakita ko na mas nagkaisa ang pamilya natin ngayon, na nagpunta ang maraming nagmamahal sa ‘yo, Mommy. Siguro nga, napakabuti mong tao kaya kinuha ka agad ni Lord.”

Naiulat kamakailan na lumapit si Angelica sa NBI para sa kaukulang imbestigasyon at dito’y kanyang isinumite ang cellphone ni Teresa upang magamit sa imbestigasyon. Kasama sa tinitingnang anggulo ang mga dating karelasyon ni Teresa. Si Teresa ay hiwalay sa asawa bago pa man nadiskubre si Pastillas Girl sa It’s Showtime. (Ador Saluta)