NAPAGMASDAN at naramdaman naming medyo malungkot si Aiko Melendez sa front row ng Kia Theatre habang ongoing ang taped as live na PMPC Star Awards for Television last Thursday.

Nominado si Aiko bilang Best Drama Actress para sa ipinakita niyang kahusayan sa Give Love On Christmas Day ng ABS-CBN. Nang tanungin namin ang aktres kung ano ang pakiramdam niya habang papalapit na ang paghahayag ng mananalo sa nasabing kategoriya, napangiti lang siya sa amin.

Marahil ay may nakapagbulong na sa kanya na ang katunggaling si Maja Salvador, na mahusay din ang performance sa Bridges of Love, ang magwawagi bilang Best Drama Actress (ang nasabing serye rin ang nag-uwi ng Best Primetime TV series).

“Ako naman, Kuya Jimi, eh, sanay na rin namang mananalo at sanay na rin namang matalo. Masaya na ako dahil nominated ako. At least sa dami ng magagaling na aktres na may drama show, eh, isa ako sa napiling pito,” sey ni Ms. Aiko sa amin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pinakahuling award ang Best Drama Actress at hanggang sa natapos ang show ay hindi umalis si Aiko sa kanyang upuan.

Nagawa pa niyang i-congratulate si Maja at saka lang nilisan ng aktres ang KIA Theater.

Sa totoo lang, isa sa may pinakamagandang kasuotan si Aiko nang gabing iyon. Kaya puwede siyang maging Star of the Night along with Sunshine Cruz at Toni Gonzaga.

Samantala, nasaksihan din Aiko kung paano pinagkaguluhan ang nagwaging Best Drama Actor na si Alden Richards na halos katabi lang ng kanyang upuan.

Nag-tie sa kategoriyang Best Single Performance by An Actress sina Sunshine Cruz (para sa “Barko” episode ng MMK) at si Judy Ann Santos (para naman sa “Ilog” episode ng MMK rin).

Best Single Performance by an Actor naman ang iniuwi ni John Lloyd Cruz (para sa MMK “Hat” episode) pero hindi nakarating ang actor. Best supporting actress naman si Sunshine Cruz para sa Strawberry Lane, at Best Suppoeting Actor si Baron Geisler para sa Nathaniel.

ABS-CBN pa rin ang tinanghal na Best TV Station. (JIMI ESCALA)