Pinanindigan ng Golden State Warriors ang kanilang asam na magtala ng kasaysayan sa National Basketball Association (NBA) makaraang magtala ito ng 21-0 record nang talunin ng koponan ang Toronto Raptors sa score na 112-109.

Si reigning NBA MVP Stephen Curry ang namuno sa Warriors matapos siyang makapagtala ng 44 points at 7 rebounds, habang hindi naman umubra ang 41 puntos ni Kyle Lowry ng Raptors.

Nakaiskor si Curry ng game-clinching free throws sa natitirang limang segundo, at hinarap si Cory Joseph ng Toronto para maagaw ang bola sa natitirang 3.3 segundo upang mai-shoot sa panalo ng Warriors.

Ang Warriors ay mayroon nang 21-0 para sa season na ito, at nanalo ng 25 straight sa regular season games.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Si Curry ay nagtala rin ng 7 assist, 2 rebounds habang naglalaro sa natitirang 38 minuto. Samantala, nagdagdag naman si Lowry ng 7 assist at 3 board para sa Raptors na tuluyan nang bumulusok sa 12-9 ngayong season.

Samantala, nagwagi ang Denver Nuggets (8-13) laban sa Philadelphia 76ers (1-20) sa score na 108-105. - ABS-CBN Sports