Baby Z at Javier copy

EXCITED na siguro ang ama ni Marian Rivera na si Javier Gracia na makita ang apo na si Maria Letizia G. Dantes dahil sa kanyang Instagram (IG), apat na pictures ni Baby Zia ang sunud-sunod na ipinost. Halatang proud na proud ito sa kanyang unang apo.

Solo ni Baby Zia ang unang ipinost na picture, ‘yung kuha ni Marian at ang caption ay, “Mi nieta jajaja una mas en la familia.”

Sa second photo ay pinagtabi niya ang picture ni Baby Zia at picture niya at ang caption naman, “jajaja ya somos uno mas #love #letizia.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang third picture ay ang isa sa top 10 favorite pictures ni Dingdong Dantes sa anak at pinost nito sa IG. Ang caption ng dad ni Marian, “jajaja guapa.”

Ang fourth picture ay kuha sa isang broadsheet na naglathala kay Baby Zia at ang caption ng dad ni Marian ay, “Mi nieta ya famosa desde su nacimiento.”

Nang dumalo sa kasal nina Dingdong at Marian ang ama ng aktres, naipangako nitong babalik ito ng Pilipinas sa binyag ng unang apo. Naurong sa January 2016 ang binyag ni Baby Zia at siguro naman, darating ang ama ni Marian para makita nang personal ang maganda at cute niyang apo. (Nitz Miralles)