Pinaalalahanan ng isang church-based poll watchdog ang mga botante na kilalaning maigi ang mga kandidatong iboboto nila sa eleksiyon sa susunod na taon, at bigyang-halaga ang pagpili sa mga ito.

Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) National Chairperson Henrietta de Villa, dapat alamin at suriin ang plataporma ng bawat kandidato bago magdesisyon kung sino sa kanila ang iboboto.

Ipinaalala rin niya ang importansiya ng paglahok sa halalan ng bawat botante.

“Kailangang pahalagahan ang karapatan at ang tungkuling bumoto,” ani De Villa.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Kaugnay nito, ikinalulungkot naman ni De Villa na sa tagal ng registration period na ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec), marami pa ring botante ang hindi nagpa-biometrics.

Gayunman, aminado si De Villa na kahit paano ay ikinatutuwa niya na ipinatigil ng Korte Suprema ang ‘No Bio, No Boto’ policy para makaboto ang may mahigit dalawang milyong botante na walang biometrics. (Mary Ann Santiago)