Untitled-4 copy

SA mga unang episode ng Starstruck, kapag marami pa ang pinagpipilian, hindi pa matukoy kung sinu-sino ang may big potential para maging artista.

Pero ngayong anim na lang ang natitira, lutang na lutang na ang pinakamaganda at pinakaguwapo at deserving na maging Ultimate Survivors sa pinakabagong edition ng original artista search ng GMA-7.

Last week, nagtapos ang Starstruck journey nina Avery Paraiso at Liezel Lopez at napili na ang Final 6 na sina Arra San Agustin, Elyson de Dios, Klea Pineda, Jay Arcilla, Ayra Mariano at Migo Adecer.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Para lalo pang lumutang sa pansin ng judges at ng televiewers ang pinakamahuhusay, nakasama naman ngayong linggo ng Final 6 sa four-part mini-series ang walong Avengers at si Ms. Snooky Serna.

Tampok sa mini-series ang magkakaugnay na kilig stories na ang fans/viewers mismo ang namili ng dapat na maging ending. Ang choices ay makikita sa official Facebook and Twitter accounts ng Starstruck (facebook.com/starstruckgma and @StarstruckGMA).

Bukod sa magandang love story, kinilig ang avid viewers ng Starstruck sa behind-the-scenes na mga kuwento at sweet moments ng mga tambalan.

Inabangan ang pagpili sa Final 4 nitong nakaraang Biyernes, pero walang na-eliminate kaya buo pa rin ang Final 6. Nabitin ang mga tagasubaybay.

Sa papasok na linggo, haharap sila sa serious acting test kay Glydel Mercado at Christopher de Leon. Pigil-hininga na ang fans ng bawat tambalan dahil lalong nagiging seryoso ang battle papunta sa Ultimate Final 4.

Huwag nang bibitaw, malapit nang makilala ang pinakabagong big stars ng Kapuso Network. (DINDO M. BALARES)