oprah-420x0 copy copy

NEW YORK (AP) — Sinusulat na ni Oprah Winfrey ang kanyang sariling libro.

Inihayag ng Flatiron Book nitong Biyernes na ang librong The Life You Want ni Oprah ay nakatakdang ilabas sa publiko sa Enero 2017 at ipapakita kung paano mababago ng sinuman ang direksiyon ng kanilang buhay.

Sa ngayon ay wala pang pangalan ang imprint ni Winfrey, ngunit itatampok dito ang nonfiction works kada taon. Marami nang librong naging best-seller dahil kay Oprah sa nakalipas na 20 taon sa pamamagitan ng kanyang telebisyon show at online book club choices.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sinabi ni Winfrey sa isang pahayag na nais niyang maging inspirasyon ng ibang tao “to live the highest, fullest expression of themselves” sa pamamgitan ng kanyang libro.

Ang What I Know for Sure, koleksiyon ng kanyang O magazine columns, ay inilathala ng Flatiron noong 2014.