luis at angel copy

HINDI tumitigil ang tsika na nakatakdang magpakasal sina Luis Manzano at Angel Locsin sa Las Vegas bago matapos ang taon.

May nakapagbulong pa nga sa amin na aware o may blessing na raw naman sa gagawin ng dalawa ang mga magulang ni Luis na sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano.

Pero nang makausap namin si Luis mismo sa backstage ng Kia Theater sa awarding rites ng Star Awards for TV last Thursday, nanalo siya as Best Game Show Host, agad niyang itinanggi ang tsika.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ayon kay Luis, magkasama silang aalis ni Angel pero pawang bakasyon lang ang gagawin nila sa Las Vegas.

“Hindi pa kami magpapakasal. I’m sure, uunahan na ‘yan ng iba riyan na kesyo may kasalang mangyayari. Hindi po totoo ‘yun. Pupunta kami sa Vegas then pupunta rin kami sa Cuba para medyo maiba naman,” sey pa ng host ng Kapamilya Deal or No Deal.

Kinumpirma din ni Luis ang planong pagpapaopera ni Angel ng “disc bulge” at kapag naisaayos ang kondisyon ng kasintahan ay posibleng ito pa rin ang gumanap sa pelikulang Darna.

“She’s studied a lot of options and she has one or two in mind. I think we just have to wait and see kung ano’ng mangyari sa operasyon. Hopefully naman, if the management hasn’t started then maybe there’s a good chance na si Angel ulit ang kukunin nila,” sey ni Manzano.

Hindi nakalimutan ni Luis na pasalamatan ang lahat ng mga tagahanga ni Angel na kahit may mga nasusulat nang hindi na nito kayang gampanan role sa Darna, hindi pa rin sumusuko na ang aktres pa rin ang gumanap sa remake nito.

Aktibo sa social media ang fans ni Angel at nagkakaisa sila sa pagsasabing hihintayin nila ang tuluyang paggaling ng dalaga para magampanan ang coveted role.

Samantala, kinulit namin si Luis na dahil wala pa namang kasalang magaganap, mauuna muna pala ang “honeymoon”?

“I won’t deny na napag-usapan din naman namin ni Angel nang seryosohan ang kasal pero wala pa kaming napiling date.

I mean, the thought is there but in terms of fixing something up already she would know first. If there’s anything about settling down, Angel would know first.”

Ayon pa kay Luis, mas gusto nila ni Angel ang simple and intimate wedding. (JIMI ESCALA)