LIMIPAS na ang mga panahon na nakiki-party si Britney Spears kasama si Paris Hilton tuwing ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan.

Nag-enjoy ang Las Vegas lip-syncer sa kanyang simpleng 34th birthday celebration, ngunit ito ay puno ng sorpresa.

Ibinahagi ng Pretty Girls singer ang pagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan nitong Miyerkules, Disyembre 2, ang mga litrato ng “the CUTEST surprise party” na inihanda ng kanyang mga anak na sina Sean Preston, 10, at Jayden James, 9. Ang kanilang tahanan ay pinuno ng mga lobo (salamat, Miley!), regalo, at isang tea party-themed cake.

Ang mga lobo ay hugis ng mga letra ng pangalan ni Britney, at ito ay mula sa kanyang kaibigang si Miley Cyrus. “A special thank you to Miss @MileyCyrus for sending these awesome balloons!” pagpapasalamat ni Britney.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

(Yahoo News/Celebrity)