Aminado si WBC Silver welterweight champion Amir Khan na malabo siyang piliin na huling kalaban ni eight-division world titlist Manny Pacquiao at kapag nangyari ito ay hahamunin na lamang niya ang kababayang si IBF welterweight champion Kell Brook sa Mayo 2016.

Kabilang si Khan sa tatlong boksingerong pinagpipilian ni Pacquiao para makaharap sa kanyang huling laban na itinakda sa Abril 9 sa Las Vegas, Nevada kasama ang mga ka-stable sa Top Rank Inc. na sina Terence Crawford at Timothy Bradley kapwa ng US.

Nahirapan si Khan sa kanyang huling laban nitong Mayo kay dating WBO light welterweight champion Chris Algieri na tinalo niya sa puntos gayong anim na beses pinagulong sa ring ni Pacquiao sa depensa ng WBO welterweight title na dating hawak nito noong 2014.

“The former world super-lightweight champion, who has not fought since beating Chris Algieri on points in May, said if he is snubbed by Pacquiao’s camp on Friday he would face rival Brook at Wembley Stadium,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com dahil may problema ang Top Rank sa promoter ng Briton na si Al Haymon. “Promoter Bob Arum is on record as saying he hopes Pacquiao does not pick Khan and does not expect him to.”

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Ngunit umaasa pa rin si Khan na siya ang pipiliin ni Pacquiao dahil mas magaang siyang kalaban kaysa kina Bradley at Crawford.

“I’m waiting to hear back from Pacquiao. I’m pretty sure he doesn’t fancy Bradley or Crawford, so I’m in with a chance,” pahayag ni Khan sa tabloid sa London na The Sun. “If Manny chooses someone else, I’ll fight Brook. I know I can beat him and it should be at Wembley in late May.” (Gilbert Espeña)