JANE OINEZA copy

PANOORIN ang pagsisisi at pagdadalamhati ng mga anak nang sumailalim sa depresyon at kitlin ng kanilang ina ang sariling buhay nito sa kuwentong tampok ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Mapagmahal na ina si Sima (Aiko Melendez) ngunit istrikto at matigas pagdating sa pagdidisiplina sa mga anak na sina Nine (Jane Oineza), Pau (Kokoy De Santos), Aaron (Brace Arquiza) at Adet (Alexa Macanan). Kaya lumaki ang mga bata na takot at malayo ang loob sa kanya.

Lubusan itong daramdamin ni Sima na dadagdagan pa ng problema sa gastusin sa bahay. Isang araw, nagpasya na lang siyang tapusin ang lahat ng paghihirap sa buhay. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Paano haharapin ng kanyang pamilya ang kanyang biglang pagkawala?

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Wowie de Guzman, Mymy Davao, Yesha Camile at Zeus Collins, mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksyon ni Nuel Naval.