Disyembre 4, 1917 nang iulat ng sikat na psychiatrist na si W.H. Rivers ang shell shock phenomenon sa Royal School of Medicine, nang talakayin niya ang kanyang ulat na “The Repression of War Experience.” Tinalakay niya ang kanyang mga gawain sa Craiglockhart War Hospital for Neurasthenic Officers ng United Kingdom, na rito ginagamot ng mga doktor ang mga sundalong nagkaroon ng psychological trauma dahil sa kanilang pakikipaglaban.

Umabot sa 80,000 ang kaso ng “shell shock”, na tumutukoy sa mga sugat na natamo ng mga sundalo. Ilan pa sa mga sintomas ay ang paulit-ulit na bangungot, pagtatae, at pagkabulag.

Nasa 20 porsiyento lamang ng sundalong British ang nagamot sa shell shock at nagbalik sa militar. Dalawa lang sina Siegfried Sassoon at Wilfred Owen sa mga naging pasyente ni Rivers noon.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo