Inaresto ng pulisya ang apat na menor de edad matapos ireklamo ng isang kolehiyala na kanilang halinhinang ginahasa sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (CCPO), naganap ang krimen dakong 3:00 ng madaling araw sa Upper Carmen, ng naturang lungsod.

Itinago ang biktima sa pangalang Lulu na kasalukuyang nasa ospital.

Ayon kay PO3 Eniego Obiosca, namamasyal ang biktima at kanyang menor de edad ring kasintahan nang atakehin sila ng mga suspek, iginapos ang kanyang boyfriend at halinhinan siyang ginahasa sa harap nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang mga suspek. Tumanggi ang tatlo sa kanila, iginiit na tagahawak lamang sila at pinanonood ang paggasa sa biktima ni alyas “John-John.’

Inihanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. (Fer Taboy)