Patay ang apat na miyembro ng pamilya ng isang mag-asawang doktor habang sugatan naman ang isang bombero sa sunog sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Base sa report ni QC Fire Marshall Senior Supt. Jesus P. Fernandez, kinilala ang mga nasawi na si Dr. Rodolfo Bucad, 56, opthalmologist; maybahay niyang si Dr. Gracita Bucad, 58, dentista; at mga anak nilang sina Tricia Bucad, 20; at Dra. Hazel Lopez Bucad, 30, pawang nakatira sa LHC Square sa No. 74, 5th Avenue corner Main Avenue, Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Dr. Pol Martin Garcia, isinugod ang apat na miyembro ng pamilya sa East Avenue Medical Center, na roon sila nalagutan ng hininga dahil sa suffocation.

Sugatan ang isa sa mga rumespondeng bombero na si FO3 Richard Andrew, ng Central Fire Station, dahil sa pagbasag sa bintana ng gusali.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dakong 3:00 ng umaga nang biglang sumiklab ang apoy mula sa kuryente sa may dental clinic at mabilis itong kumalat sa ibang bahagi ng bahay.

Ayon sa arson probers, mabilis na kumalat ang makapal na usok at napakainit sa ibabang palapag ng gusali kaya nakasinghot ng makapal na usok ang mga biktima na kanilang ikinamatay. (Jun Fabon)