NASA isang tambayan kami ng mga kapwa reporters nang marinig namin ang topic sa katabing mesa ng umpukan ng tatlong staff ng isang kilalang TV network.

Pinag-uusapan nila ang love team na nagsimulang sumikat a few months ago lang.

Unaware marahil ang mga nag-uusap na mga reporters kami, huh!

“Sobrang lakas ng love team nina _______ at _____ kaya ang daming kumukuha sa kanila noon, pero ngayon, eh, parang bumababa na yata ‘yung popularity nila,” sey ng isa sa kanila na may suut-suot pang ID ng kanilang istasyon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Korek ka d’yan. Ang nakarating na tsika sa akin, eh, hindi raw yata nai-deliver ng dalawa nang maayos ang inaasahan ng producer nila sa ginawa nilang drama serye. Sabi, parang hilaw pa rin daw ang mga ‘yan,” sey naman ng kasama nilang girlash.

Narinig din namin sa tatlong nag-uusap na may bagong project pa raw sanang gagawin ang magka-love team pero dahil naramdaman ng istasyon na medyo humihina ang tambalan ng dalawa, ibinigay na lang ito sa ibang love team.

“Kung bakit naman kasi ipinagpilitan sa kanila ang project na ‘yun na hindi naman talaga bagay sa love team, hindi tuloy sila ang pinag-uusapan kundi ang mga supporting lang nila,” dinig pa rin naming banggit ng isa sa grupo.

“They failed miserably,” diretso pero pabulong na banggit ng isa naming kamanunulat. (JIMI ESCALA)