Dahil sa dami ng mga pribadong mamamayan na nagkakaproblema sa paggamit ng kanilang sasakyang Mitsubishi Montero, hiniling ng isang concerned individual sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na pansamantalang suspendihin ang approval of application ng mga behikulong ito na ginagamit bilang Transportation Network Vehicle Service (Grab and Uber).

Sa kanyang liham kay LTFRB Board Member Ariel Inton, hiniling ni Atty. Felizardo “Toto” Tiu sa board na ikonsidera ang “safety and welfare of the riding public”sa pansamantalang pagtigil sa pagbibigay ng anumang authority o certificate of public convenience para sa Montero habang hinihintay ang resulta ng mga imbestigasyon o findings ng alinmang motoring expert o investigative body.

Nababahala si Tiu na ang biglaan at hindi sinasadyang pagkaripas ng mga behikulong ito ay maaaring magdulot ng pinsala hindi lamang sa driver at pasahero, kundi sa mga sibilyan, bukod pa sa idudulot na pinsala sa mga ari-arian.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“As you will recall even the Department of Trade and Industry (DTI) had already issued a pronouncement advising the public not to buy the Mitsubishi Montero Sports until such time that the issue of unintended acceleration is resolved,” sulat niya sa kanyang liham.

Sa kanyang panig, sinabi ni Inton na pag-aaralan nila ang kahilingan ni Tiu dahil ang kanilang prayoridad sa tuwina ay ang kaligtasan at seguridad ng commuting public.

“I will refer this to the LTFRB Board En Banc for proper disposition. A check with TNVS applications show that there are several applicants with Montero units,”aniya. “Perhaps, Uber and Grab should also be notified.”

(Czarina Nicole O. Ong)