Pinagtataga ng isang lalaki hanggang sa mamatay ang kanyang ina at lola habang nasa impluwensiya ng droga sa San Isidro, Isabela, kahapon ng umaga.

Ang insidente ay naganap dakong 4:00 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cebu, San Isidro, Isabela.

Nahaharap sa dalawang kasong parricide ang suspek na kinilalang si Seiitchi Sankoite Tobias, 20, residente ng naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng San Isidro Municipal Police Station, ang mga biktima ay kinilalang sina Betty Tobias, nanay ng suspek, 47; at Maxima Tobias, lola ng suspek, 77.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon sa pulisya, isang panggapas ng palay ang pinasok sa loob ng silid ni Tobias at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang mahimbing na natutulog ang dalawang biktima.

Sinasabing gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang suspek na tumakas matapos mapatay ang kanyang ina at lola.

(Fer Taboy)