SAN FRANCISCO (AFP) — Inihayag ni Facebook co-founder Mark Zuckerberg noong Martes na siya ay ganap ng ama at nangakong gagawing “better place” ang mundo para sa kanyang anak na si Maxima at sa iba pa.

Sa isang liham kay Maxima na ipinaskil sa kanyang Facebook page, sinabi ni Zuckerberg at ng kanyang asawang si Priscilla Chan na ibibigay nila ang 99 porsyento ng kanilang share sa kumpanya – tinatayang nagkakalaga ng $45 billion – para sa pagsisikap na maging masaya at malusog ang mundo.

“Max, we love you and feel a great responsibility to leave the world a better place for you and all children. We wish you a life filled with the same love, hope and joy you give us. We can’t wait to see what you bring to this world,” saad sa liham.

Ipagkakaloob ni Zuckerberg ang halos lahat ng kanyang shares sa Facebook stock, o ang after-tax proceeds ng sales of shares, upang pondohan ang misyon na “advancing human potential and promoting equality” sa pamamagitan ng mga aktbidad para sa kabutihan ng publiko, sinabi ng California-based social network sa isang filing sa US Securities and Exchange Commission.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo