KORINA AT MGA BATANG MAY KAPANSANAN copy

SA pagharap sa entertainment press nina Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas para sa thanksgiving Christmas Party, susubukan nating alamin kay Ms. Korina kung magkano nabili ang expensive watch niya. Ang pinagbentahan ng watch ang ginastos niya sa biniling artificial legs for 50 young children and teenagers.

Nabasa namin ang ipinost niya sa Instagram (IG) na, “For my 50th birthday I sold my expensive watch — and bought artificial legs for 50 select young children and teenagers from all over the country. What a difference legs make for young people who again have started to believe...

“An artificial leg costs only P40,000, a small amount to make such a difference in a child’s life. If you’re thinking of something good to do for Christmas, think about sponsoring someone in need.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kayo na dear readers ang magkuwenta kung magkano ang pinagbentahan ng watch ni Ms. Korina, P40,000 X 50 patients na nakatanggap ng artificial legs.

Marami ang pumupuri sa ginawa ni Ms. Korina, na matagal nang may advocacy sa pagtulong sa mga kababayan nating kapuspalad. Kaya dedma na sa mga kumukuwestiyon kung bakit ngayon lang daw niya ito ginawa. Hello!

Nababahiran na ng pulitika ang ginagawa niyang pagtulong, kasi nga kandidato for president ang esposo niya.

Siguradong matatanong din si Ms. Korina sa reaction niya sa interview ni Karen Davila kay Alma Moreno bilang isa rin siyang media practitioner. Palagay ba niya, sumobra si Karen o kulang pa ang ginawa nito kay Alma? (NITZ MIRALLES)