Isang kilalang negosyante ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Ferdinand, Baguio City, na may saksak ng patalim sa katawan, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Rolando Miranda, hepe ng Baguio City Police Office, ang biktimang Henry Tan Lao, 68, may-ari ng Tiongsan Bazaar sa Mabini at General Luna Road, ng Enrico Hotel, at ng isang trucking company.

Kilala rin ang biktima na nagmamay-ari ng mga mamahaling sports car.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtaka ang mga empleyado ni Lao habang hinihintay siya sa pagbubukas ng mga bazaar dakong 9:00 ng umaga kahapon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa tulong ng pulisya ay pinuntahan si Lao sa kanyang bahay dakong 10:30 ng umaga at laking gulat na nakita itong patay at nagkalat ang kagamitan sa mga silid. Nawawala rin ang wallet ng biktima, ayon sa pulisya.

Nakarinig umano ng malakas na ingay ang kapitbahay ng negosyante, na ‘tila may nagsisigawan at nag-aaway sa loob ng bahay, dakong 11:00 ng gabi nitong Lunes.

Nakita rin na isang lalaki ang mabilis na lumabas ng bahay matapos ang sigawan.

Ayon kay Miranda, may detalye na sila sa pagkakakilanlan ng suspek na ngayon. (Rizaldy Comanda)