Sa pagpapahinga ni Paul Lee bunga ng injury, pumalit sa kanyang puwesto si Rain or Shine guard Jericho Cruz upang ipagtanggol ang Elasto Painters sa pagpapatuloy ng 2015 PBA Philippine Cup.

Ang dating Adamson University guard ay pinarangalang bilang Player of the Week makaraang tulungan nito ang ROS na makapagtala ng panalo kontra Barako Bulls at Barangay Ginebra at napanatili nito ang three-way tie para sa unang puwesto katabla ang San Miguel at Alaska.

Nakaiskor si Cruz ng 23-puntos sa 110-104 na panalo kontra Barako Bull at nagtala rin ito ng 16-puntos sa kanilang 94-86 victory kontra Ginebra noong Linggo.

Mabilis namang inihayag ni Cruz ang magandang pagmamaniobra ng ROS coach na si Yeng Guiao at maging si Lee para sa kanyang stellar play.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

“Lagi ngang sinasabi ni Coach Yeng sa amin na someone has to fill in the gap dahil nga injured si Paul,” ani Cruz sa website ng liga. “Ako, it boosts my confidence, especially since halos 25 minutes ang binigay ni coach sa akin.”

“Ako, sinusuklian ko lang si coach,” dagdag pa nito.

Ipinahayag din ni Cruz na maraming naituro sa kanya si Lee kung paano maglaro ng depensa.

“I really learned a lot from him,” ang pahayag pa nito. “Sa kanya ako kumukuha ng tips.”

Naungusan ni Cruz si Vic Manuel ng Alaska para sa lingguhang parangal. (Abs-Cbn Sports)