Isang Grade 5 student ang namatay makaraang makuryente habang naka-charge ang cell phone nito sa Sipocot, Camarines Sur, kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Judy Ajero, 14 anyos, at Grade 5 pupil, matapos siyang makuryente.

Ayon sa report ng Sipocot Municipal Police, nakuryente ang biktima dahil sa paggamit ng kanyang cell phone, na noon ay naka-charge, sa Sitio Matan, Barangay Gaongan, sa bayan ng Sipocot.

Naidikit ng biktima ang kanyang mukha sa charger ng cell phone na umano’y may livewire na nakausli, dahil may sira na rin ito.

National

PH Political Science Assoc., binengga si SP Chiz; impeachment ni VP Sara, 'long-overdue na!'

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival. (Fer Taboy)