HINDI namin alam kung bakit galit na galit ang kilalang personalidad sa isang aktres na kontrobersyal ngayon.

“Ang arte-arte niya, kung sinu-sino’ng idinadawit niya sa isyu niya, mahilig gumawa ng ingay. Naku, hindi naman kikita ang pelikula niya, dahil Jinky Oda (jinx) siya, ‘no! Wala naman siyang pelikulang kumita, sige nga, magbanggit kayo?” sabi ng kilalang personalidad.

Oo nga, wala nga kaming matandaang pelikula ng aktres na kumita maski na sinamahan pa siya ng mga sikat na artista.

Nakapagtataka nga kung bakit hindi kinakagat ng tao ang mga project ng naturang aktres, sa telebisyon man o sa pelikula. Hmmm, hindi kaya may kinalaman ito sa pagiging negatibo niya?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mahilig kasing makipagbangayan ang aktres na mahilig uminom kapag nasa party at gumagawa ng isyu na hindi naman pala totoo, kaya sa bandang huli ay nagbo-boomerang sa kanya ang mga pangyayari.

Anyway, hoping pa rin ang nakakakilala sa aktres na baka isang araw ay mag-mature na siya para maipagmalaki na siya ng pamilya niya. (Reggee Bonoan)