AFTER Sunshine Cruz and Sheryl Cruz, nagbabalik-showbiz na rin ang pinsan nilang si Donna Cruz. 

Mahigit isang dekada ring iniwan ni Donna ang showbiz, simula nang mag-concentrate siya sa kanyang married life with Dr. Yong Larrazabal sa Cebu.

Hindi pag-arte ang binalikan ni Donna kundi ang kanyang singing career.

“Sobrang na-miss ko talaga ang pagkanta. First love ko naman talaga ang singing. Even my husband knows that,” sey ni Donna.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasa peak din ang career niya nang iwan niya ang pag-arte at pagkanta dahil mas ginusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging asawa. Tatlo na ang anak nila ni Dr. Yong.

Kung sina Sheryl at Sunshine ay nagbalik-showbiz nang hiwalayan ang kanilang asawa, nananatili namang happily married sina Donna at Yong. At may blessing ng kanyang hubby ang pagbabalik-recording niya.

“Kinausap ko nga siya, sabi ko, ‘Honey, I think okay na. Malalaki na rin naman ang kids natin, kung bibigyan ko naman ng panahon ‘yung sarili ko and ‘yung kaligayahan ko rin sa pagkanta.’ So I think wala namang problema sa kanya, okay lang sa kanya,” kuwento ni Donna.

Kahit nasa Cebu lang daw siya, hindi siya natuksong balikan agad ang showbiz kahit ilang beses dumating ang magagandang offer sa kanya. Iba raw ang priority niya nang mga panahon iyon.

“Ando’n ‘yung gusto ko talaga even before pa na bumalik sa recording. Kaya lang ayokong pumasok sa paggawa ng album or whatever kung hindi pa handa ‘yung pakiramdam ko na iwan ‘yung mga anak ko, maliliit pa, eh.

“Ngayon okay na silang iwan, kumbaga sobrang nakatatak na ako sa kanila, hahanap-hanapin nila ako. Gano’n, kasi sobrang attached sa akin ‘yung mga kids. So ngayon sila naman ang nagsabi na, ‘It’s okay mommy.’ Susuportahan daw nila ako, maiintindihan nila, eh. Kasi babalik din naman ako after,” sey pa rin ng pinsan nina Sheryl at Sunshine.

Siyempre, nakahanda na rin naman si Donna sa intriga na kesyo hiwalay na sila ni Dr. Yong dahil sa pagbabalik-showbiz niya. Pero mutual decision daw nila ito.

“It’s a mutual decision naman, eh. Kasi ako talaga ‘yung tipong mommy na talagang ‘pag nag-focus ako sa mga anak ko, nasa kanila talaga. Sabi ko nga, gusto kong ma-build ‘yung mommy and kids na samahan. Gusto ko talaga malapit ako sa mga anak ko,” katwiran pa ni Mrs. Donna Cruz-Larrazabal. (JIMI ESCALA)