Isang barangay tanod na nagtangkang manghalay ng isang Grade 4 pupil sa Malabon City nitong Sabado ng gabi ang naaresto, kinumpirma ng pulisya kahapon.

Ayon sa pulisya, nakatalaga si Marvin Mangali, 25, sa isang eskuwelahan sa Barangay Ibaba upang tulungan ang mga bata sa pagtawid sa lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong 6:00 ng gabi nang humingi ng tulong sa suspek ang 10-anyos na biktima dahil naiwan niya sa loob ng paaralan ang kanyang tsinelas. Ngunit nang nasa loob na ng silid-aralan ay hinawakan ni Mangali ang dibdib at puwet ng bata.

Kuwento ng biktima, naghubad ng pantalon ang suspek at tinangkang hubarin ang kanyang palda, ngunit itinulak niya ito bago kumaripas siya ng takbo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umuwi ang paslit at nagsumbong sa kanyang ina, na nag-report naman agad sa chairman ng barangay para ipadakip si Mangali.

Hindi naman itinanggi ni Mangali na tinangka niyang halayin ang bata, at sinikap na humingi ng tawad sa mga magulang ng biktima, ngunit nanindigan ang mga ito sa pagpapakulong sa tanod. - Jel Santos