Pinaniniwalaang dahil sa mas maluwag na access sa malalaswang babasahin at panoorin, maraming kabataan ngayon ang lantad sa kamunduhan.

Ito ang malinaw na ipinapalagay sa kaso ng isang apat na taong gulang na babae, na hinalay ng kalaro niyang 11-anyos na Grade 5 pupil sa Barangay Nambalan, Mayantoc, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO3 Mary Jane Isidro, nangyari ang pang-aabuso dakong 8:00 ng umaga, nang nagpunta ang biktima sa bahay ng suspek para makipaglaro.

Ayon sa report, naglalaro ng bahay-bahayan ang dalawang menor de edad hanggang sa dumating sa puntong halayin ng binatilyo ang paslit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagulat naman ang ina ng biktima nang makitang tigmak ng dugo ang underwear ng anak.

Inamin naman ng binatilyo na hinalay niya ang bata.

Idinulog na sa Municipal Social Welfare and Development Office ng Mayantoc ang kaso para sa kaukulang disposisyon. - Leandro Alborote