Pinalad na nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang security guard makaraan siyang undayan ng saksak ng nakaalitang kabaro sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang sugatang biktima na si Ariel Ambubuyog, 28, security guard, ng No. 8 Moroscope Street, Dominic Subd., Barangay Talipapa, Quezon City.

Si Ambubuyog ay nakaratay ngayon sa Quezon City General Hospital dahil sa tinamong mga tama ng saksak sa likod at braso.

Habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa pangalang “Donadillo,” isa ring sekyu at kasama ng biktima na nangungupahan sa isang bahay sa Bgy. Talipapa, Quezon City.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa ulat ni PO3 Arielito Canlas, nangyari ang insidente dakong 3:00 ng umaga sa bahay ng dalawang sekyu.

Napag-alaman na basta na lang umanong nagtalo at nagpalitan ng maaanghang na salita ang suspek at ang biktima, na nauwi sa pananaksak ng basag na bote kay Ambubuyog.

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang biktima hinggil sa motibo sa pananaksak. (Jun Fabon)