VICTORIA, Tarlac – Dalawang security guard ng International Wiring System (IWS) ang grabeng nasugatan matapos bumangga ang sinasakyan nilang Kawasaki Bajaj motorcycle sa isang nakaparadang Isuzu Elf truck sa Victoria-Tarlac City Road sa Barangay Bulo, Victoria, Tarlac.

Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital sina Manuel Anthony Valdez, 27, may asawa, ng Bgy. Bantog; at Maria Teresa Martinez, nasa hustong gulang, ng Bgy. Sta. Lucia, Victoria, at kapwa security guard ng IWS.

Nasalpok ang motorsiklo ng truck (RKW-244) na minamaneho ni Jan Kier Letrero, 21, ng Bgy. Tramo, Santa Rosa, Nueva Ecija. (Leandro Alborotea)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog