JANA AT SYLVIA LANG_PLEASE CROP copy

KINILALA ang maglolang Ningning (Jana Agoncillo) at Mamay Pacing (Sylvia Sanchez) ng top-rating ABS-CBN tanghali serye na Ningning dahil sa kanilang angking galing sa pag-arte ng magkaibang award-giving bodies.

Hinirang si Jana bilang Best Child Actress sa 2015 Philippine Edition Network’s 4th Reader’s Choice Television, isang annual online entertainment voting awards ng blog site na Philippine Edition Network.

Pinabilib din naman ni Sylvia ang Filipino-American community na kumilala sa kanya bilang Most Outstanding Filipino Performer in Film and TV sa pamamagitan ng Gawad Amerika Awards sa Hollywood, California para sa kanyang pagganap sa The Trial at Be Careful With My Heart.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Lalong siksik ang good vibes at sayang ihahatid ng Ningning ngayong lingo. Magkakasakit si Ningning at aalagaan ang kanyang Tatay Dondon (Ketchup Eusebio) kaya mapapabayaan ang negosyong daing.

Babalik na ng Manila si Mamay Pacing galing sa Isla Baybay pero makikiusap kay Dondon na huwag munang sabihin kay Kris (Rommel Padilla) at Ningning na babalik na siya.

Kaabang-abang kung paano makakabawi si Dondon sa kanyang negosyo. Ano ang magiging reaksiyon nina Kris at Ningning sa pag-uwi ni Mamay? Abangan sa Ningning, Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime.

Ang Ningning ay kuwento tungkol sa pang-araw-araw na kabutihan ng mga tao. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Ningning (Facebook.com/Ningning). (Ador Saluta)