janelle-elmo copy

HMMM, bitter kaya ang nakatsikahan naming taga-GMA-7 sa paglipat ni Elmo Magalona sa ABS-CBN at may Born For You project na kaagad kasama si Janella Salvador na mapapanood sa 2016.

Biniro kasi namin na, “O, nasa ABS na si Elmo, sino pa natirang young actor sa inyo?”

Nagulat kami sa sagot sa amin, “Hmp, keri lang na umalis na siya, hindi rin naman siya kawalan, hindi naman siya nakatulong din, hirap kasi niya katrabaho, ang daming arte sa katawan, maraming bawal, mahirap silang ka-deal.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hala, may ganitong isyu pala kay Elmo sa Kapuso Network?

“’Buti naman nagpalaki na siya ng katawan kasi hindi naman siya kaguwapuhan,” dagdag pa. “Ordinaryo lang naman siya, at least ngayon malaki na katawan niya, puwede na siyang mag-topless sa bago niyang project.”

May binanggit pa na hindi na lang namin isusulat, pero ang sagot namin sa taga-GMA, baka hindi lang na-handle nang maayos si Elmo sa Siyete. Kasi nga nakailang serye na ay hindi pa rin sumikat-sikat, tulad nga ng sinulat namin nang araw na pumirma siya ng kontrata at ipakilala siya bilang Kapamilya actor.

Sabi pa namin, kung totoong maarte at mahirap katrabaho si Elmo, e, nakatitiyak kami na hindi uubra ang mga inarte niya sa ABS-CBN, lalo na sa Dreamscape Entertainment. Kabisado namin ang mga bossing ng nasabing production unit na magaling magdisiplina ng mga artista.

‘Kita n’yo nga si Baron Geisler, hindi umubra ang pagiging pasaway sa set ng Dreamscape nu’ng ginagawa niya ang Nathaniel. Nu’ng napabalitang gumawa siya ng eksena sa restaurant ni Richard Yap na Luna J sa Il Terrazo, pauwi na siya kaya walang bantay ha-ha-ha.

Going back to Elmo, kailangan na niyang pagbutihin ang trabaho niya dahil big break ang ibinigay ng ABS-CBN sa kanya. (Reggee Bonoan)