derrick copy

CERTIFIED recording artist na ang Kapuso teen heartthrob na si Derrick Monasterio dahil nagkaroon siya ng contract signing sa GMA Records nitong nakaraang Miyerkules.

Nakatsikahan si Derrick ng ilang showbiz writers bago siya pumirma ng kontrata at pabirong pinag-react kung sino sa kanila ni Alden Richards ang mas hunk at mas may magandang katawan.

“Ako, mas sexy ako definitely, ‘yon, ha-ha-ha!” pabiro rin niyang sagot.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Wala man siyang Yaya Dub o Maine Mendoza, crush naman daw niya ito. Nagagandahan si Derrick sa ka-love team ni Alden kaya lagi raw niya itong pinapanood sa Eat Bulaga.

Ang revelation sa naturang interview, may indecent proposal pala siyang natanggap sa halagang seven-figure. Pero hindi raw galing sa bading ang indecent proposal kundi sa isang socialite. Huwow, cubao!

Naku, alam ba yan ni Issa Pressman?

Break na daw sila ni Issa, three months na. Kaya pala ang fave niyang kanta sa album niya ay titled Give Me One More Chance kasi raw natamaan daw talaga siya sa lyrics ng kanta.

“Kasi ‘yung Give Me One More Chance parang gusto mo uli ‘yung girl, parang ganu’n. At saka siyempre, there’s a person behind every song. Meron akong taong iniisip sa kantang ‘yon,” hugot line niya sa amin.

Minsan din niyang minahal si Sarah Lahbati na kapag napapanood niya sa TV ay sinasabi na lang daw niya sa sarili... ”Ang gandaaa!” pero wala naman daw panghihinayang on his part na hindi sila ang nagkatuluyan.

Niligawan din niya si Bea Binene. Anyare, basted ka?

“Hindi naman po niya ako binasted. Ano lang, parang nawalan lang kami ng gana sa isa’t isa. O, hayan, naging honest ako sa inyo, ha! Ha-ha-ha!”

Aminado siya na na-hurt siya talaga nu’ng hindi siya ang naging last dance ni Bea sa debut nitey kundi si Kristoffer Martin.

“Sabi ko sa kanya, bakit hindi ako, eh, tayo ang laging magkasama, laging nagkikita. ‘Tapos ang sabi lang niya… ‘uy, grabe ka... huwag namang ganu’n.’ Eh, ‘yon, mas close daw sila ni Kristoffer, so ‘yun. Kung sino ang mas gusto ni Bea, okay na rin sa akin. Respect her decision, kumbaga. Hindi ko nga po alam kung bakit lagi na lang akong nauunahan, ha-ha-ha! Basta ang theme song ko kay Bea, ni-revive ko dito sa album ko, ‘yung Kailangan Kita.”

Seymo, Issa Pressman? ‘Yun na! (MERCY LEJARDE)