coco at onyok copy

TANGGAP na tanggap si Coco Martin sa drama kaya pawang hataw sa ratings game ang lahat ng serye niya.

Pero marami ring naaaliw kapag napapanood siyang nagku-comedy, kaya may mga nagsasabi na puwede rin siyang bigyan ng project na nagpapatawa naman siya.

May mga pasundut-sundot na sa comedy si Coco sa mga pelikulang Born To Love You kasama si Angeline Quinto noong 2012, A Moment In Time nila ni Julia Montes noong 2013, Maybe This Time with Sarah Geronimo (2014) at nitong huli sa You’re My Boss nila ni Toni Gonzaga. Pero hindi pa rin nawawala sa kanya ang imahe na isa siyang dramatic actor.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Kaya marami pa rin ang nagulat sa teaser ng Ang Probinsiyano na ipapalabas next week na sumasayaw-sayaw si Coco habang nagtatrapik sa Edsa.

Positibo ang feedback ng mga nakapanood ng teaser kay Coco bilang dancing traffic policeman.

Oo nga, bagay na bagay pala sa aktor ang gumanap sa mga ganitong klaseng papel, at least may bago siyang ipapakita sa audience niya.

Dahil din sa sobrang ganda ng feedback at napakataas na ratings ng Ang Probinsiyano ay hanggang Hulyo 2016 na pala ito.

Anyway, maraming nagtanong din sa amin kung hindi raw ba bibigyan ng pelikula sina Coco at ang pambansang bagets na si Onyok?

Sa tingin mo, Bossing DMB, interesado kaya ang Star Cinema sa tambalang ito?

(Comedy kamo for Coco? Para patok na patok, ang i-remake siguro nila, Ang Tatay Kong Nanay nina Dolphy at Niño Muhlach. ‘Di ako nagpapatawa, ha? Seryoso ako! –DMB) (REGGEE BONOAN)