ALDUB copy

FOUR days nang affected ang AlDub Nation sa pagsubaybay kina Alden Richards at Maine Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Inaamin nila na kahit alam nilang aktingan lang ang pinapanood ay apektado pa rin sila, dahil feeling nila ay totoo ang nangyayari sa kanilang hinahangaang love team.

Ang dahilan ng kanilang kalungkutan, nagpaubaya na si Yaya Dub sa kagustuhan ni Lola Babah (Ai Ai delas Alas) na ipakasal si Alden sa Russian model na si Cindy dahil kailangan iyon sa pagpapatuloy ng family business nila sa Russia. 

Sinabi pa ni Yaya Dub kay Alden na marami pa siyang gustong maabot para sa kanyang kinabukasan at hindi naman niya totoong minahal si Alden dahil may iba siyang mahal. (Ang iniisip ng fans sinasabi niyang ibang mahal ay ang tunay na Alden, si Richard Faulkerson Jr.) 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Umiiyak na sinabi ni Yaya Dub sa kanyang Lola Nidora (Wally Bayola) na ginawa niya iyon para lumayo na sa kanya si Alden at huwag sumuway sa gusto ng Lola Babah nito.

Pero ayaw pumayag ni Alden, ipinaglaban niya sa kanyang lola ang pagmamahal niya kay Yaya Dub. Pero ayaw makinig ni Lola Babah sa kanya, tuloy daw ang kasal nina Alden at Cindy ngayong Sabado. 

Nang magpaalam kay Yaya Dub, sinabi ni Alden na, “Hintayin mo ako, Maine.”

Wishing ang AlDub Nation na ang kaagaw ni Yaya Dub kay Alden na si Cindy ay mababaling ang pagtingin kay Frankie Arenolli (ang nagbalik na sa show na si Jose Manalo) dahil simula nang magkita sila sa barangay, mukhang na-in love na ito sa Italyanong si Frankie at hindi na sila naghiwalay.

So, si Cindy nga kaya ang magpapabalik sa kaligayahan ng AlDub Nation at hindi na matutuloy ang kasal nina Alden at Cindy ngayong Sabado?

Abangan natin! (NORA CALDERON)