TACLOBAN CITY, Leyte – Isang operatiba ng Leyte Police Provincial Office at kasama niyang lalaki ang nakapiit ngayon sa himpilan ng Tacloban City Police District Office dahil sa pagpapaputok ng baril.

Kinilala ni Tacloban City Police Office chief Senior Supt. Domingo S. Cabillan ang mga nadakip na sina Police Officer Charlmagne Pacho y Plangano, 26, residente ng Barangay Campetic, Palo; at Jerwin Gorgonia y Dulay, 25, kabarangay ni Pacho.

Ayon kay Cabillan, nasa loob ng Republic KTV sa Bgy. 61, Sagkahan District, sina Pacho at Gorgonia nang magpaputok ng kanyang service firearm ang pulis na nagdulot ng alarma sa loob ng establisimyento.

Agad namang naaresto ng mga pulis ang kanilang kabaro, na noon ay lasing na lasing, gayundin si Gorgonia.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Nestor L. Abrematea)