Patay ang isang pitong taong gulang na lalaki makaraan siyang mabundol ng isang sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang babae sa Barangay Pasong Langka, Silang, Cavite, noong Huwebes ng hapon.

Dead on arrival sa Adventist University of the Philippines (AUP) Health Services Center si Nomer Ultra Balingit, residente ng Pasong Langka, bunsod ng tinamong bali sa buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na inaresto ng pulisya si Cristina Concepcion Catindig, 54, driver ng silver Toyota Fortuner na may conduction sticker number YU3569.

Si Catindig ay isang negosyante na nakatira sa Barangay Vacunero, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa pulisya, tumatawid si Balingit sa Santa Rosa-Tagaytay Road nang mabundol ito ng SUV dakong 5:15 ng hapon noong Huwebes.

Si Balingit ang ikaanim na namatay na biktima ng aksidente sa lalawigan nitong nakaraang anim na araw, ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO). (Anthony Giron)