LIPA CITY, Batangas - Nagbaril sa bibig ang isang mister na umano’y nahuli ng kanyang misis habang gumagamit ng ilegal na droga sa Lipa City, Batangas.

Namatay si Manuel Marzo, 44, ng Barangay San Benito sa lungsod.

Ayon sa report ni PO3 Oliver Morcilla, dakong 8:30 ng umaga nitong Nobyembre 25 nang nagbaril umano sa sarili ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid pa sa pulisya na ilang minuto bago nagpakamatay, hinamon pa ni Marzo ang anak na lalaki na labanan siya habang hawak niya sa kanang kamay ang baril at bolo naman ang bitbit sa kaliwa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napag-alaman din ng pulisya sa misis ni Marzo na nahuli umano nitong gumagamit ng shabu ang mister noong gabi bago ito nagbaril gamit ang isang .38 caliber revolver. (Lyka Manalo)