HINDI lang sina Nora Aunor, Kris Bernal at Bembol Rocco ang napupuri sa Little Nanay kundi pati na sina Mark Herras at Juancho Trivino na gumaganap as Peter Parker at Bruce Wayne respectively na mga kuya ni Tinay (Kris).

Hindi napag-iiwanan ang dalawa sa husay nina Nora, Kris at Bembol lalo na sa comedy scenes.

Natutuwa sa kanila ang viewers at may mga nagwi-wish tuloy na sana’y may mga kuya rin sila na gaya nina Peter at Bruce. Kino-congratulate rin ang dalawa na napasama sila sa isang teleserye na may social relevance at nagtuturo kung paano pakikitunguhan at alagaan ang taong may intellectual disability o ID.

“Nakatutuwa ang positive feedback ng viewers sa Little Nanay, ang sarap na basahin ang comment na para talaga kaming tunay na pamilya. Ang laking bagay sa akin na makasama sa eksena sina Ms. Nora Aunor at Mr. Bembol Roco, tinutulungan nila kami sa mga eksena namin at pati pagdi-deliver ng dialogue, tsini-check din nila. Ang sarap din sa pakiramdam na mabasang pampawala ng stress at pinatatawa sila ng teleserye namin,” wika ni Juancho.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang bilis makilala ng karakter nina Juancho at Mark dahil kapag nakikita sila sa labas ngayon, Peter Parker at Bruce Wayne na ang tawag sa kanila at ang tunay nilang pangalan. (Nitz Miralles)