CARLA copy

NAPAKA-SEXY ni Carla Abellana sa serpentina gown na suot niya sa press launch ng Because of You, ang bago niyang romantic comedy drama series sa GMA-7.

“Five months po bago lumabas ang figure ko,” natatawang wika ni Carla nang tanungin kung paano niya na-achieve ang figure niya ngayon. “Ang hirap po talaga, noong Pari Koy soap ko, medyo mataba na ako noon pero ang hirap ko talagang magpapayat. 

Salamat na lang at nagkaroon ako ng time na mag-gym at may nag-supply sa akin ng diet food, ang Healthy House Manila. Hindi naman nila ako binawalang kumain, counted lang ang calorie intake ko at masarap naman, kaya hindi ako deprived sa pagkain.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi naman daw siya nahirapang mag-shift mula sa usual drama series na ginagawa niya at maging comedian paminsan-minsan sa mga eksena.

“Salamat sa sitcom naming Ismol Family na nasa season 4 na ngayon at na-orient na ako sa paggawa ng mga ganitong klase ng serye,” kuwento ni Carla. “Doon kasi, kahit ano p’wede naming gawin, pero dito, as Andrea, masayahin akong tao pero malungkot din ang buhay ko kasi iniwan ako sa ampunan. Nang magka-boyfriend naman, sa oras mismo ng kasal ay iniwan ako ng boyfriend ko. Basta, promise namin na maganda ang serye namin, sa tulong ng mga writers namin at ni Direk Mark Reyes.”

Kumusta namang katrabaho si Gabby Concepcion?

“Una kaming nagkasama ni Kuya Gabby sa Yesterday, Today, Tomorrow two years ago, pero hindi siya nagbabago, he’s friendly pa rin, happy-go-lucky, na kahit umaga na kami sa taping, gising na gising pa rin siya.”

Biniro namin si Carla bakit ‘kuya’ tawag niya sa kanyang leading man? (Kung sabagay, kasabayan si Gabby ng kanyang amang si Rey Abellana)

“Nahihiya po naman akong tawagin siyang ‘Tito’ kasi ‘kuya’ tawag ng lahat sa kanya sa set. Friends sila ni Papa at ang older sister ko, si Ate Erika, ang kasabay na kasabay na ipinanganak noon ni KC (Concepcion), magkatabi pa sila ng hospital room.”

Sa Lunes na (November 30), mapapanood ang Because of You pagkatapos ng Little Nanay. Katambal d

in ni Carla si Rafael Rosell, ang groom na nang-iwan sa kanya sa oras ng kasal nila. Kasama rin nila sina Valerie Concepcion, Ms. Celia Rodriguez, Ms. Kuh Ledesma, Vaness del Moral, Joyce Ching, Enzo Pineda, Rey Abellana, Carlo Gonzales, at Iya Villania sa first serye niya sa GMA-7. (NORA CALDERON)