Mga laro ngayon

San Juan Arena

12:45 p.m. Army vs. PLDT

3 p.m. UPD vs. Navy

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Makamit ang kani-kanilang ikalawang titulo bilang koponan sa liga ang tatangkain ng Philippine Army at ng PLDT Home Ultera sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa pagsisimula ng kanilang best-of-three finals series para sa Shakey’s V- League Season 12 Reinforced Conference sa San Juan Arena.

Dahil sa nakatakdang paglalaro ng Open Conference at Collegiate Conference MVP na si Alyssa Valdez makaraang ma-miss ang kabuuan ng eliminations hanggang semis dahil sa pagpapagaling sa kanyang “back injury” ay dumami ang kanilang attacking options, ayon kay Ultra Fast Hitters coach Roger Gorayeb.

Ngunit aminado siyang mahihirapan sila sa Lady Troopers dahil sa kanilang beteranong roster.

“We’re taller, there’s no question about it, pero mas experienced sila (Army) sa amin. Matagal na silang magkakasama,” ayon kay Gorayeb na bukod kay Valdez ay mayroon pang dalawang American imports sa katauhan nina Victoria Hurttman at Sarrea Freeman.

Maliban sa tatlong naunang nabanggit na players, dagdag pang firepower sa hanay ng PLDT sina Aiza Maizo, Sue Roces at Janine Marciano.

Sa panig naman ng Army ni coach Kungfu Reyes, inaasahang mamumuno sa mga ito sina Jovelyn Gonzaga, Tina Salak, Honey Royse Tubino , Remy Palma, Nene Bautista, Abby Marano at Sarah Jane Gonzales.

Samantala, sisimulan din ng University of the Philippines at ng Philippine Navy ang sarili nilang best-of-3 series para naman sa third place. (Marivic Awitan)