Shaun-Salvador-Ella-Cruz copy

IN character kaya si Bret Jackson bilang rapist ni Andi Eigenmann sa pelikulang Angela Markado nang sugurin niya si Shaun Salvador, isa sa cast ng #ParangNormalActivity, sa dressing room nito sa trade launch ng TV5 noong Miyerkules ng gabi sa Valkyrie Club Palace sa BGC?

Natulala lahat ng staff at mga artista sa dressing room nang galit na galit na dumating si Bret at sabay duro kay Shaun ng, “So, you’re the one.”

Nagulat si Shaun, pero bilang lalaking may pinag-aralan ay iniabot niya ang kamay niya kay Bret para magpakilala.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero tinitigan lang siya ng tisoy na aktor at sabay alis.

Walang makapagsabi kung bakit ganoon ang inasal ni Bret kay Shaun dahil hindi naman sila magkatrabaho at hindi rin sila magkakilala.

Nagtanung-tanong kami sa ibang taong may nalalaman sa pinag-ugatan ng pagsugod ni Bret, at may nag-inform sa amin na nagseselos pala si Bret kay Shaun dahil ka-love team nito si Ella Cruz sa #ParangNormalActivity.

Nakakaloka itong si Bret, nakakatol ba siya that night? Hindi naman nililigawan ni Shaun si Ella dahil hindi niya type ang Twerk-twerk Girl.

Alam namin ito dahil nu’ng huli naming makatsikahan si Shaun sa taping ng Halloween episode ng #ParangNormalActivity ay tinanong namin ang binatilyo kung type niya si Ella. Diretso niyang sinabing, “Hindi po, friends lang.”

Kaya ano ang ipinagmamaktol nitong si Bret, Bossing DMB?

O baka naman kasi nagpapabebe si Twerk-twerk Girl kay Bret at sinasabing type siya ni Shaun para pagselosin ang tisoy na aktor?

Naaliw ako bigla sa kuwentong ito, anhaba ng hair ni Twerk-twerk Girl, huh? (Reggee Bonoan)