coco copy

HITIK sa aksiyon ang kapana-panabik na mga eksena sa Ang Probinsyano ngayong linggo dahil to the rescue si Cardo (Coco Martin) sa kanyang alagang si Onyok (Simon Pineda) na malalagay sa peligro.  

Gagawing hostage nina Dencio (Tutti Caringal) at ng kaibigan nito ang paaralang pinapasukan ng anak ng gobernador upang makaganti sila sa pang-aagrabyadong ginawa nito sa kanila. Sa kasamaang-palad, sa paaralang ding iyon nag-aaral si Onyok. Agad din namang susugod ang kanyang Kuya Cardo upang tulungan silang makatakas at mahuli ang mga hostage taker.

Makaligtas kaya ang mga bata mula sa kamay ng masasamang-loob? Sino ang tutulong kay Cardo upang mahuli ang mga ito?

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Samantala, tuloy pa rin ang pagdududa ni Cardo sa kamatayan ni Diego (Ping Medina). Dahil dito, ia-assign siya ng kanyang Lolo Delfin (Jaime Fabregas) bilang bagong miyembro ng Highway Patrol Group upang malihis ang kanyang atensiyon sa paghahanap sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Diego. Pero dahil matindi ang kanyang paniniwalang buhay si Diego, patuloy siyang maghahanap ng mga ebidensiyang magpapatunay dito.

Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga tagpo sa pambansang teleserye ng mga Pinoy na Ang Probinsyano, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.