Pinataob ng National University (NU) ang De La Salle Zobel , 68-53 win para makamit ang solong pamumuno sa UAAP Season 78 juniors basketball tournament sa Blue Eagle gym nitong nitong weekend.

Nagawang limitahan ng depensa ng Bullpups si Junior Archers hotshot Aljun Melecio sa kanyang season-low na 19-puntos na itinala nito mula sa 7-of-22 shooting.

Nagposte naman si Karl Peñano ng 17-puntos at 9 na rebound, habang nagdagdag si John Lloyd Clemente ng 12-puntos at double- double 11- puntos at 17 rebound si Justine Baltazar para sa NU, na ngayon ay nag- iisa na lamang koponan na walang talo makaraan ang unang tatlong laro.

Dahil sa pagkabigo, bumaba ang De La Salle-Zobel sa four-way tie sa ikalawang puwesto kapantay ng defending champion Ateneo, Far Eastern University (FEU)-Diliman at University of Santo Tomas (UST) sa barahang 2-1, panalo-talo.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Sa iba pang resulta, ginapi ng Eaglets ang Adamson University, 71-55, pinasadsad ng Baby Tamaraws ang University of the East (UE), 81-66, habang nanaig ng walang kahirap- hirap ang Tiger Cubs dahil sa ‘di pagsipot ng katunggaling UP Integrated School.

Pinangunahan ni Gian Mamuyac ang Ateneo sa itinala nitong 20-puntos, 6 rebound at 2 assist habang nagdagdag naman si Jolo Mendoza ng 16- puntos, 5 board at 2 assist.

Nagtapos namang topscorers para sa FEU sina, Kenji Roman na may 20- puntos,at LJ Gonzales at JJ Sapinit na may 15 at 14-puntos, ayon sa pagkakasunod.

Bumagsak naman sanhi ng kabiguan ang Baby Falcons sa barahang 1-2, habang nanatiling walang panalo ang Junior Warriors at Junior Maroons. (Marivic Awitan)