Pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang ina at apat na taong gulang niyang anak ng hindi kilalang lalaki na nakasalubong nila habang patungo sila sa tindahan sa Barangay Bungiao, Zamboanga City, ini-report ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), dakong 3:30 ng hapon nitong Lunes nang mangyari ang insidente sa bulubunduking Sitio Camp Socorro sa Bgy. Bungiao.

Sinabi ni Chief Insp. Joel Tutuh, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, nakita ang bangkay ng mag-inang Emmalyn Gallarde Pacquiao, 33; at Ricamae Gallarde Pacquiao, 4, na tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mister ni Emmalyn, nagpunta lang sa tindahan ang kanyang mag-ina para bumili ng pagkain nang makasalubong ng mga ito ang suspek at pinagtataga ang dalawa. (Fer Taboy)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol