Nakatanggap ng maagang pamasko ang mga batang lansangan mula sa Cubao Rotary Club matapos nilang tipunin ang mga ito, paliguan, damitan, pakainin at ipasyal pa sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang naturang maagang pamasko ay pinangunahan ni Rotakid President Janine Chelsy Ho, anak ni Johnny Yu, na kasalukuyang pinuno ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at immediate past president ng Rotary Club Cubao.

Ayon kay Yu, panata na ng RC of Cubao na pasayahin ang mga bata sa proyektong ROTA KIDS, katulad ng proyektong “Maligayang Bata” na pamaskong handog sa mga kapus-palad na kinakalinga ng Kuya Center, isang non-governmental organization. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20