vice ganda copy

STAYCATION lang kami sa bahay nitong nakaraang weekend dahil injured kami, kaya sa unang pagkakataon ay napanood namin ang lahat ng mga programa sa telebisyon noong Linggo, simula tanghali hanggang Gandang Gabi Vice.

Sumakit ang tiyan namin sa katatawa sa interview ni Vice Ganda kina Cristine Reyes at Ali Khatibi dahil naglaglagan ang magdyowa.

Naaliw kami sa maraming rebelasyon sa publiko tungkol sa relasyon nina Cristine at Ali, tulad halimbawa ng gusto at ayaw nila sa isa’t isa, kung sino ang unang nagkagusto, kung sino ang unang napipikon at kung sino ang unang nanunuyo.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nagulat si Ali sa pambubuking ni Cristine nang magtanong si Vice kung ano ang unang hinahawakan ng una pagkagising sa umaga. Boxer shorts, sagot ni Cristine. Ibig sabihin, nakahubad matulog ang live-in partner ni AA.

Open book naman na nagsasama na sina Ali at Cristine pero halatang hindi pa rin komportable ang una na ibuking sa publiko ang tungkol sa pribado nilang buhay.

Halatang tila napikon si Ali dahil nag-iba ang facial expression at sabay sabing, “Love, grabe ka. Sa ‘yo yata ako dapat matakot hindi kay Vice (dahil sa mga tanong).”

Pero mas nakakagulat nang ibuking naman ni Cristine si Vice na noong kabataan pala nito sa lugar nila sa Tambunting Street, Manila ay nagkaroon ng crush na babae ang TV host/comedian.

May itinanong na kanta si AA kay Vice kung kanino niya ito iniaalay, pero pilit iniiba ng komedyante ang paksa, pero nangulit pa rin ang aktres at talagang ibinuking niya kung sino ang girl.

Nasukol si Vice kaya inamin niyang totoong nagkagusto siya sa pinakamagandang girl na bagong lipat sa lugar nila, at ang pangalan ay Becky, sabay pakiusap na huwag na lang pag-usapan dahil may pamilya na at nakakahiya sa asawa nito.

Pero walang nagawa si Vice dahil pinapasok na ni Cristine si Becky sa studio na talagang ikinagulat ni Vice at wala siyang nagawa kundi ibeso ang girl at kinumusta, kung ilan na ang anak nito, kumusta ang asawa na kasama naman pala that time at nanonood sa bandang likod.

Kilala namin si Vice na talagang naa-upset kapag ginugulat ng ganoon. Kaya naman tinanong namin siya kinabukasan (kahapon) kung hindi ba siya napikon kay AA.

“Close naman kami ni AA kaya good vibes lang, ha-ha-ha,” sagot ng TV host/actor.

Ano ang masasabi niya sa pagsulpot ng dati niyang crush?

“Ha-ha-ha-ha, kalurks! Muntik akong bumaon sa lupa, ha-ha-ha-ha,” sagot ulit niya.

Sadya bang wala siyang alam sa pagsulpot ng dating ‘girl crush’ niya, as in walang abiso man lang sa kanya?

“Nagulat kasi surprise ganap, eh. Pero okay lang, for the show naman,” katwiran ni Vice.

Tinanong din namin si Vice kung si Mayor Rodrigo Duterte pa rin ba ang iboboto niya dahil natuloy ang kandidatura nito sa Panguluhan. (Nang huli naming nakausap ang TV host/comedian sa bahay niya, nabanggit niyang, “si Duterte sana ang gusto ko (ibotong presidente) kaso hindi naman siya tatakbo.”)

“Ako’y nagmumuni-muni pa, wala pa talaga akong final decision,” sagot niya.

Binanggit din namin ang balitang nililigawan ni Mar Roxas ang suporta niya.

Diretsong sagot ni Vice, “I met up with him, pero wala namang commitments, casual na usap lang.”

Ano ang masasabi niya kay Mar pagkatapos ng pag-uusap nila? At ito rin ba ang dahilan kaya nasabi niya na nagmumuni-muni pa siya ngayon? Dati kasi, si Duterte nga ang nabanggit niya.

“Type ko rin naman si Duterte, pero wala naman akong sinabing with finality na siya na ang iboboto ko. Type ko rin naman sina Mar at Grace (Poe-Llamanzares). Pero wala akong pinag-commit-an kahit kanino sa kanila. Kailangang pag-isipang mabuti,” pangangatwiran ni Vice sa amin.

Sino naman sa kumakandidatong vice president ang type niya?

“Dalawa type ko, eh. Di pa rin sure,” mabilis niyang sagot.

Samantala, kinumusta namin kay Vice Ganda ang It’s Showtime na may balitang tatanggalin na sa ere dahil sa poor ratings.

“Ngek, wala po akong alam,” mabilis na sagot niya. (REGGEE BONOAN)