Marian & Dong copy copy

HAYAN, dear editor, Dindo Balares, nadagdagan na naman ang mga apo mo sa showbiz!

Yes, nagsilang na kahapon si Marian Rivera ng first baby nila ni Dingdong Dantes via normal delivery. Ayon kay Rams David, manager ng Kapuso Primetime Queen, isinilang si Baby Maria Letizia Gracia Dantes ng 5:25 AM sa isang hospital sa Makati City. 

Narito ang post ni Ateng Rams sa kanyang Instagram account:

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“I just received the best news from Dong (Dingdong) and the best Christmas gift from God. Lolola na ako. Salamat sa lahat ng nag-pray for Yan and Zia. Mahal po namin kayo. Ito na ang pinakamagandang balita sa araw na ito.

Congratulations @dongdantes and @therealmarian.”

Dagdag pa ni Ateng Rams, tumimbang ng 6.9 lbs si Baby Zia, mukhang mahaba siya tulad ng kanyang Papa Dong.

Nag-trending agad sa Twitter nationwide and worldwide ang pagsisilang ni Marian sa sobrang tuwa ng DongYan fans here and abroad.

Our congratulations sa brand new father and mother. Nagpadala rin agad ng pagbati sa kanyang unang apo ang ama ni Marian mula sa Madrid, Spain, si Fran Javier Gracia Alonso.

(Editor’s note: As of presstime, wala pang inilalabas na photo sina Marian at Dingdong na kasama ang baby nila, kaya wala pa kaming mai-share sa readers.) (NORA CALDERON)