kris2 copy

HINDI naman siguro iba-bash si Kris Aquino ng fans ng ToMiho love team nina Tommy Esguerra at Miho Nishida na hindi pa niya kilala. Nag-request kasi ang fans ng ToMiho kung puwede silang i-guest ni Kris sa KrisTV .

Sinagot ni Kris sa Instagram (IG) ang request ng ToMiho fans ng, “Sorry to be ignorant, who are #ToMiho? Singers?”

Natawa sa halip na magalit ang fans ng ToMiho at ipinaliwanag kay Kris kung sino sila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, nakaaaliw basahin ang mga sagot ni Kris sa nagko-comment at patuloy na namba-bash sa kanya sa IG. Sa tanong kung bakit nag-i-effort siyang basahin at sagutin ang bashers niya.

“I learned how to be strong , made the mistake before of hiding from the bullies -- not anymore, kasi kung ‘di ko basahin the comments here, how will I get to see such kind words like yours,” paliwanag niya sa mga may may respeto, nakakaintindi at nagmamahal na IG followers sa kanya.

Ang ganda rin ng sagot niyang, “Sayang naman ang DNA ng mom and dad ko if I’ll just allow cyber bully to frighten me.”

Samantala, nakatakdang pumunta si Kris sa Coron, Palawan kasama si Direlk Antonienette Jadaone at staff ng MMFF entry ng Star Cinema na All You Need is Pag-ibig para sa shooting ng nabanggit na pelikula. Sa December 2, ang balik nila sa Manila. (NITZ MIRALLES)